Maari bang bigyan mo nang kahit isang saglit na matamis na tingin ang isang pulubing walang direksyon na dati rin nangangarap ng bukang liwayway para sa kanyang pamilya?
Nakasara na ba ang mga mata mo sa isang tao na maaring naging kapatid mo, magkaiba man ang daan na tinatahak ninyong dalawa?
Sa movie na Forrest Gump, nang mawala sa buhay ni Forrest Gump (ang bida ng pelikula) ang kanyang pinakamamahal niyang si Jenny, nagsimula siyang tumakbo across United States for no reason at all.
Is it possible heartbroken lang ang nakita mong taong grasa?
Or is it from another angle, ang mukha ng gutom na nakita mo ay isang wanderer like Budhha? Naghahanap ng Bodhi tree where he can rest his head and discover nirvana?
Si Sisa at Sabel. Patuloy na naglalakad. Araw. Gabi. Ang daan ang kaibigan ko sabi ni Sabel. Ang mga anak ko ang krus ko sabi ni Sisa.
Sino ba ang nagkamali? Ang gulong ng palad o kasalanan niya?
Witness nalang ba tayo sa poverty ng bansa natin?
Can we rule as one nation without understanding what it is like in the shoes of the lowest of the low?
Ang tsinelas na tinapon ni Jose Rizal at ang Les Misérables na binasa ni Andres Bonifacio are just some examples that our heroes never forgot the plight of the poor.
To become strong we should also accept and practice tenderness. To be kind, gentle, and compassionate to someone we can help dream again...
No comments:
Post a Comment